Ang mundo naman umiikot yan eh, kaya yung mga ginagawa natin araw-araw, yung mga nararamdaman at nararanasan natin, lahat iyon umiikot at iikot lang din.
Paulit-ulit lang tayong masasaktan, babangon, magsisimulang muli, at muling masasaktan. Ganon lang talaga. Cyclic ang buhay. Redundant. Clicheish. Recurring. Repeating. Mala de javu. Patunay ng kasabihang History repeats itself.
Siguro, parang pelikula lang ang buhay. Isang mahabang mahabang pelikula na maraming retakes. Kapag nagkamali ng linya, cut, tapos take ulit. Ganun lang. Tapos kapag perpekto na, next scene naman. Ganun ulit ang gagawin hanggang matapos na ang buong sequence at magsisimula na naman ng panibago para magpatuloy ang kwento.
Kasabay ng pag-ikot ng rolyo ng pelikula mo, iikot ang buhay mo. Di mo naman talaga pedeng labanan ang pag-ikot na yun eh. Di mo pedeng labanan ang agos. Para kang nagsasagwan against the current. Di mo pedeng i-defy ang gravity. Para mong nilalabanan ang energy na, ayon sa mga siyentipiko, hindi naman pedeng likhain o sirain. Di ka pedeng lumaban. Meron kasing batas ang mundo. May Law of Gravity. may Law of Conservation of Energy. May saligang batas. May batas ang Diyos. May kalakarang sinusunod ang mundo.
Sasabay lang tayo dapat sa agos. Pwede ang sumagwan para mas bumilis ka, o kaya naman pwede kang mag-detour sa kung saan tingin mo ay may mas mabilis na daan. Pwede ang sa tingin mo ay shortcut sa gusto mong puntahan. Pero isa lang ang direction. One way lang. Kapag nag-counterflow ka, makukuha ang lisensya mo.
Pero huwag kang magmamadali ha! Wala kang kalaban, hindi ka nakikipagkarera. Naglalakbay ka lang. Gumagawa ng travelogue ng sarili mong paglalakbay. Nagsa-sight seeing at nag-a-unwind ka lang on your own. Pwede ka sumabay sa mga ibang naglalakbay, pero hindi ka required makipagunahan.
Isang araw, bigla na lang dadating sa atin ang isang taong makaksabay mo sa bangka mo. O kaya share kayo. Pwedeng nasira bangka nya, o kaya ang iyo, o kaya naman tumigil muna kayo saglit sa pampang para bumuo ng isang bangka gamit ang kani-kaniya nyong gamit sa paglalakbay. Dadating iyon, sigurado. Pero sabi ko nga, hindi ka dapat magmadali.
At muli, maglalakbay tayo. Lakbay lang. I-enjoy natin ang agos. Di naman kasi mahalaga kung saan ka makakarating at kung kailan; ang mahalaga ay kung gaano naging makulay ang naging paglalakbay.
No comments:
Post a Comment